Mag-ama pinatay ng 2 lalaki

VINZONS, Camarines NortePinaniniwalaang matandang alitan ang naging ugat ng kamatayan ng mag-ama makaraang pagtulungang saksakin at barilin ng dalawang lalaki habang naglalakad ang mga biktima sa Barangay Sula sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Si Teodoro Indiano, 52 ay nagtamo ng malalim na saksak sa kaliwang dibdib, samantala, ang kanyang anak na si Ariel Indiano, 31 ay binaril sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na sina Arnie Vela at Jacinto Bayani na kapwa residente ng Barangay Sabang, Vinzons, Camarines Norte.

May palagay si P/Insp. Edwin Rodriguez, hepe ng pulisya sa Vinzons na ang krimen ay nag-ugat dahil sa matandang alitan ng mag-ama at dalawang suspek. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments