4 paslit minolestiya ng pulis
October 23, 2002 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Apat na batang lalaki ang iniulat na minolestiya ng pulis sa labas ng nabanggit na kampo noong Linggo ng hapon.
Nagsampa naman ng kaukulang kaso ang mga magulang ng apat na biktima sa Calamba Prosecutors Office at Complaint Referral Action and Imformation Verification Center laban kay SPO3 Jose Trinidad na nakatalaga sa RTMO PRO CALABARZON, Camp Vicente Lim, Calamba City.
Ayon sa ulat ng pulisya, naitala ang sexual harassment bandang alas-2:30 ng hapon matapos mapagdiskitahan ang mga biktima ng suspek habang nanghuhuli ng gagamba.
Napag-alaman pa sa ulat na hindi pa nasiyahan ang suspek sa ginawang sexual harassment sa mga biktima bagkus ay pinagpipitik pa ang maseselang bahagi ng katawan ng mga bata.
Mariing pinabulaanan ni Trinidad ang akusasyon sa kanya ng mga biktima na pawang walang katotohanan. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended