6 patay sa bakbakan ng Abu at militar
October 23, 2002 | 12:00am
Tatlong kasapi ng bandidong Abu Sayyaf at sundalo ng Phil. Army ang iniulat na nasawi makaraang salakayin ng tropa ng militar ang isa sa malaking kuta ng mga bandido sa katimugang bahagi ng Basilan noong Lunes ng umaga.
Sinabi ni Basilan Army chief Colonel Bonifacio Ramos, nilusob ng militar ang kampo ng mga bandido sa Mt. Pamatsakin malapit sa bayan ng Sumisip, Basilan na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong rebelde at sundalo, samantala, isa namang miyembro ng Cafgu ang nasugatan sa naganap na sagupaan.
Kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan ng tatlong Sayyaf na napatay sa engkuwentro na naganap bandang alas-7:30 ng umaga.
Kaagad namang nagsiatras ang grupo ng Abu Sayyaf laban sa tropa ng 32rd Infantry Battalion ng Phil. Army dahil sa pagkakalagas ng tatlo nilang kasamahan.
Magugunita na iniuugnay ng pamahalaang US at Pinas ang grupo ng Abu Sayyaf sa Al-Qaeda terror network ni Osama bin Laden na pinaniniwalaang wanted sa kasong murder at kidnapping ng American nationals.
Iniuugnay din ang grupo ng Abu Sayyaf sa sunud-sunod na pambobomba sa katimugan na ikinasawi ng isang miyembro ng US Green Beret. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended