Binata pinatay dahil sa masamang biro

SAN MATEO, Rizal — Pinaniniwalaang masamang biro ang naging ugat ng kamatayan ng isang 28-anyos na binata makaraang itakin ng kainuman ng biktima kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Antonio Señolos ng Block 1, Lot 4 Fairview Subdivision, Barangay Ampio sa naturang bayan.

Samantala, ang suspek na mabilis namang tumakas ay nakilala lamang sa alyas na Dandan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, naitala ang krimen bandang alas-11:30 ng gabi matapos na magtalo ang dalawa dahil sa masamang biro na sinabi ng biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments