Ama hinatulan ng bitay sa panghahalay sa 2 anak
October 21, 2002 | 12:00am
TANDAG, Surigao del Sur Hinatulang mabitay ang isang mangingisda makaraang mapatunayang gumahasa ng may ilang ulit sa kanyang dalawang anak na menor-de-edad noong 1994.
Sa siyam na pahinang desisyon ni Acting Presiding Judge Romeo Buenaflor ng Bislig City Regional Trial Court Branch 29, pinatawan ng bitay si Rustico Bartolini, 44, ng Sabang Agasan, Hinatuan, Surigao del Sur.
Umabot ng tatlong taon ang itinagal sa pagdinig ng kaso bago ipinalabas ang desisyon noong Setyembre 18 bago binasa sa harap ng akusado noong Set. 26, 2002.
Bukod sa hatol na bitay, pinagbabayad ang akusado ng P375,000 bilang danyos perwisyo sa tatlong kaso na isinampa sa kanya.
Base sa kasulatan ng korte, unang hinalay ng akusado ang nakatatandang anak na 16-anyos noong Marso 1994 at nasundan pa noong Marso 1998 sa loob ng kanilang bahay.
Ang ikalawang anak naman ay hinalay ng 14 na beses noong Marso 1995 hanggang sa manganak noong Nobyembre 19, 1998.
Naulit ang panghahalay noong Oktubre 1998 at sa pagkakataong ito ay nagsumbong na sa kinauukulan ang ina ng 2 anak kahit na nagbabanta ang akusado.
Pinatunayan naman sa korte ni Dr. Emily Viola ng Hinatuan District Hospital na ang dalawa ay hinalay dahil may palatandaang napunit ang hymen sa isinagawang pagsusuri sa maselang bahagi ng mga biktima. (Ulat ni Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am