Tangkang panununog sa Globe cell site napigilan
October 20, 2002 | 12:00am
Napigilan ang tangkang panununog ng tatlong armadong kalalakihan na nagpakilalang mga miyembro ng rebeldeng New People's Army (NPA) matapos salakayin ang cell site ng Globe Telecoms sa Sorsogon City,Sorsogon.
Sa report na tinanggap ni PNP Chief,Director General Hermogenes Ebdane,dakong alas-7:30 ng gabi nang salakayin ng mga rebelde ang compound ng Globe cell site na matatagpuan sa 14th St.,Sampaguita Village,Sitio Roro,Brgy. San Juan ng nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon,puwersahan umanong pinasok ng mga suspek ang nasabing lugar at tinutukan ng baril ang security guard na si Ruben Dellosa at dalawa pa nitong kasamahan na sina Luis Janolan at Crisano Habila.
Habang abala ang mga suspek sa pagsira sa loob ng tanggapan ay nakakuha ng pagkakataon si Janolan na makatakas at makahingi ng tulong sa isang himpilan ng pulisya na may 500 metro ang layo mula sa cell site.
Akmang sisindihan na ng mga rebelde ang nasabing cell site ng magpulasan ng takbo matapos marinig ang sirena ng nagrespondeng mga elemento ng Sorsogon City PNP. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended