70 anyos na purok leader kinatay
October 20, 2002 | 12:00am
OLONGAPO City Isang 70-taong gulang na purok leader ng lungsod na ito ang walang awang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang hindi pa nakikilalang salarin habang ito ay naglalakad papauwi sa kanyang tahanan sa Purok 3, Abra St., Brgy. Barretto kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Olongapo City Police Office (OCPO) Director Sr. Supt. Orlando Madella Jr., ang biktima na si Dominador Morales, 70, residente at kasalukuyang purok leader ng No. 7, Abra St., Purok 3, Brgy. Barretto sa naturang lungsod.
Ang biktima ay kaagad na isinugod sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) subalit binawian din ito ng buhay bunga ng tinamong mga malalalim na tama ng saksak sa kanyang tiyan at dibdib.
Base sa ulat ng Police Precinct 6, dakong ala-1 ng madaling araw kahapon habang naglalakad papauwi sa kanyang tahanan nang bigla na lamang harangin ang biktima ng hindi nakilalang suspek na pinaniniwalaang bangag sa droga at walang sabi-sabing inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima.
May motibo ang mga awtoridad na may malaking galit ang suspek sa naturang biktima dahil sa umanoy matindi ang kampanya nito laban sa pagkakalat ng ipinagbabawal na droga ng mga drug pusher at user sa naturang lugar.
Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang dinala sa Flores Funeral Parlor upang doon ay ipa-awtopsiya samantalang patuloy namang nagsasagawa ng follow-up investigations ang mga tauhan ng Presinto 6 sa pagkakakilanlan sa drug addict na suspek. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest