^

Probinsiya

Milyong halaga ng kable ng kuryente hinayjak

-
TAGAYTAY CITY – Milyong halaga ng iba’t ibang uri ng kable ng kuryente na lulan ng trak ang napaulat na hinayjak ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na nagpanggap na mga ahente ng National Bureau of Investigation sa Brgy. Crossing East sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang drayber at dalawang pahinanteng nagreklamo na sina Jose Samson, 55, drayber ng trak (VAB-507); Allan Amante, 31, at Geovan Vergara, 28, na pawang residente ng Brgy. Rimas, Batangas City.

Naitala ang pangyayari bandang alas-6:30 ng gabi makaraang harangin ng itim na Honda Civic na walang plaka ang trak ng mga biktima na nagmula sa Batangas City.

Ayon sa ulat ng pulisya, inakala ng mga biktima na checkpoint lamang dahil sa may blinkers ang kotse ngunit mga hayjaker pala kaya hindi na nakapalag ang tatlo. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

ALLAN AMANTE

AYON

BATANGAS CITY

BRGY

CRISTINA GO-TIMBANG

CROSSING EAST

GEOVAN VERGARA

HONDA CIVIC

JOSE SAMSON

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with