Police chief dedo sa ambus
October 19, 2002 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Tinambangan at napatay ang hepe ng pulisya ng Occidental Mindoro ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng rebeldeng New Peoples Army habang ang biktima ay patungo sa barberya sa Zone 5, San Jose St., Poblacion sa nabanggit na lalawigan kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Senior Supt. Medardo Apacible, MIMAROPA acting police director, ang biktima na si SPO4 Christopher Pacaul, hepe ng Abra de Ilog na nagtamo ng maraming tama ng bala ng kalibre .45 baril.
Naitala ang pananambang bandang alas-8:30 ng umaga saka nagsitakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng Sitio Atipan, Abra de Ilog na pinagpupugaran ng ilang grupo ng NPA.
Pansamantalang itinalaga ni Apacible si P/Insp. Marlon Oloan bilang kapalit ni Pacaul. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended