Eroplano sumabit sa kable ng kuryente
October 17, 2002 | 12:00am
Isang eroplano ng Asian Spirit na may 27 pasahero ang iniulat na sumabit sa kable ng kuryente habang papalapag sa paliparan ng Catarman Domestic Airport sa Northern Samar kahapon ng umaga.
Sa ulat ni Adelberto Yap ng Air Transportation Office (ATO), ang Asian Spirit YS-11 ay umalis mula sa Manila bandang alas-10:20 ng umaga at habang papalapag ay biglang sumabit sa kable ng kuryente na may malakas na boltahe na ikinasugat naman ng malubha ng dalawa katao.
Dahil sa pagkakasabit ng eroplano ay nakaladkad ang poste ng kuryente ngunit walang iniulat na nasawi sa mga pasahero maging sa malapit sa naturang paliparan.
Pinalagay na hindi napuna ng piloto ang mataas na kable ng kuryente habang papalapag ng paliparan kaya sumabit ngunit payapa namang nag-landing. (Ulat ni Butch M. Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended