3 bangkay ng NPA nahukay
October 16, 2002 | 12:00am
CAMP NAKAR, Lucena City Tatlong bangkay na pinaniniwalaang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) at umano'y responsable sa pagpatay kay Kumander Hector Mabilangan may ilang taon na ang nakalilipas ang nahukay ng tropa ng 204th Infantry Brigade ng Phil. Army sa kagubatan ng Sitio Lagpang, Brgy. Villa Cervesa, Victoria, Oriental Mindoro kamakalawa ng hapon.
Sinabi ni Major Jose Broso, commanding officer ng Civil Relations Group sa Southern Tagalog, nadiskubre ang bangkay nina Ka Abling, vice commander ni Ka Hector Mabilangan; Ka Nards at Ka Daniel na pawang kasapi ng Melito Glor Command ng NPA makaraang ituro ng asset ng militar ang pinaglibingan bandang alas-5:30 ng hapon.
Ayon kay Major General Roy Kyamco, commander ng SOLCOM, naaagnas na ang mga bangkay at nakilala lamang dahil sa positibong itinuro ng kanilang asset na mismong nakasaksi sa pinangyarihan ng krimen. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest