^

Probinsiya

P25-M graft vs gobernador, 14 pa dinismis ng Ombudsman

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Pinawalang-sala ng Ombudsman ang gobernador ng Nueva Vizcaya at labing-apat pang iba sa kasong graft and corruption na isinampa ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na nagkakahalaga ng P25-milyon.

Sa dalawang pahinang desisyon ni Acting Ombudsman Margarito Gervacio Jr., pinawalang-sala sina Nueva Vizcaya Governor Rodolfo Agbayani at ang labing-apat pang opisyal ng lokal na pamahalaan dahil sa kakulangan ng matibay na ebidensya na magdidiin laban sa kanila.

Pinagbasehan ni Ombudsman Gervacio na ipawalang-sala ang mga akusado dahil sa rekomendasyon ni Deputy Ombudsman for Luzon Jesus Guerrero noong Sept. 30 ngunit natanggap lamang noong Oktubre 11, 2002.

Kabilang sa pinawalang-sala sina Basilio Rupisan, provincial officer; Virgilio Tiongso, provincial administrator; Dominador Dacumos at Perfecto Martirez, provincial accountant at treasurer; Frederico Andaya, Felipe Panganiban, Alejandre Tamani, Cezar Serenilla, Miguel Jubay Jr., Tomas Garra, Christopher Seraspi, Benjamin Daguioag at Ma. Theresa Saddul-Basilio.

Magugunitang, sinampahan ng kasong graft and corruption ng Sangguniang Panlalawigan na pinamumunuan ni Vice Governor Luisa lloren-Cuaresma si Governor Agbayani at iba pa dahil sa umano’y paggamit ng pondo na P25-milyon noong panahon ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada.

Inakusahan ng Sangguniang Panlalawigan ang mga akusado na ginamit ang nabanggit na pera sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) na walang pahintulot sa ibang opisyal.

Sinabi naman ni Governor Agbayani na sa ilalim ng batas ay may awtoridad siyang ipamahagi ang pondo kapag sa kapakanan ng taumbayan. (Ulat ni Charlie C. Lagasca)

ACTING OMBUDSMAN MARGARITO GERVACIO JR.

ALEJANDRE TAMANI

BASILIO RUPISAN

BENJAMIN DAGUIOAG

CEZAR SERENILLA

CHARLIE C

CHRISTOPHER SERASPI

DEPUTY OMBUDSMAN

GOVERNOR AGBAYANI

NUEVA VIZCAYA

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with