Ang nabanggit na pondo ay may layong palakasin ang ekonomiya at maresolba ang kalagayang pangkapayapaan at kaayusan ng nasabing rehiyon.
Pagtutuunan ng pondo ay ang mga daungan sa Davao, Zamboanga, GenSan, Dapitan at Polloc at ang 82 porsiyento naman ay gagamitin sa electrification ng lahat ng barangay sa Mindanao.
Ang 37 porsiyento ay sa modernisasyon ng sakahing lupa ng Department of Agriculture at ang 31 porsiyento ay para sa infrastructure project ng DPWH.
Ang bagong pondo ay nakasaad sa panukalang 2003 national budget. (Ulat ni Rudy Andal)