Indonesian 'terrorist' inaresto sa Zamboanga airport
October 14, 2002 | 12:00am
CAMP CRAME Isang Indonesian national na pinaniniwalaang kasapi ng Al-Qaeda terror network ni Osama bin Laden ang iniulat na inaresto ng mga awtoridad dahil sa kahina-hinalang ikinikilos at pabalik-balik sa pintuan ng Zamboanga International Aiport, kamakalawa ng gabi.
Si Sukardi Effendi, 33, ng Titingan, Sandakan, Malaysia ay walang maipakitang travel document nang sitahin ng mga tauhan ng 9th Regional Aviation Security Office (RASO) sa nabanggit na paliparan.
Naitala ang pagkakadakip kay Effendi bandang alas-7:15 ng gabi matapos na mamataan ng mga awtoridad na pabalik-balik sa entrance ng naturang airport at hindi makaintindi ng anumang salita maliban sa Malaysian language.
Sa tulong ng isang interpreter, sinabi ni Effendi na nagpanggap siyang Pinoy deportees nang pumasok siya sa bansa may limang buwan na ang nakalilipas.
Ikinatwiran ni Effendi na hinahanap niya ang kaibigang nagngangalang Mile ngunit hindi niya matagpuan sa nabanggit na airport.
Nakipag-ugnayan na ang security airport sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) upang beripikahin ang pagkatao ni Effendi na pinalalagay na pinag-aaralan ang mga galaw ng security at loob ng Zamboanga International Airport. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest