Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jeffrey Badiana Jr., samantala, ang drayber ng dyip (EVH-720) na si Jopanis Arpon ay kaagad namang sumuko.
Ayon sa pulisya, dalawang pasahero na sina Pedro Malaque, 66 ng Brgy. Villa Esperanza, Masbate at Jerlyn Gimeno, 26 ng Brgy. Sto Niño, Cataingan, Masbate ang nasugatan matapos na bumaligtad ang dyip dahil sa pagkakasalpok sa bata na naganap dakong alas-10:25 ng umaga. (Ulat ni Ed Casulla)
Postibong kinilala ang mga suspek na sina Romeo Labagala, 33; Alvin Labagala, 21 na kapwa residente ng Brgy. Homestgead 2, Talavera, Nueva Ecija at Richard Allan Alejo, 33 ng Sta. Ignacio, Tarlac.
Nakumpiska sa mga suspek ang kalibre. 38 paltik na baril, patalim at granada na pinalalagay na gagamitin sa kanilang modus operandi sa mga pampasaherong sasakyan sa nabanggit na lalawigan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Naitala ang unang bomb threat bandang ala-una ng hapon kaya inilikas lahat ng mag-aaral sa nabanggit na paaralan at kaagad namang nagresponde ang pulis-Indang ngunit walang nadiskubreng bomba.
Kasunod nito, nakatanggap naman ng bomb threat ang pamunuan ng St. Martin Hospital sa Noveleta, Cavite bandang alas-dos ng hapon kaya nagkaroon ng matinding tensyon sa loob ng pagamutan ngunit wala namang natagpuang bomba.
May Teorya si P/Sr. Supt. Samuel Pagdilao na pananakot lamang ang sumingaw na bomb threat ngunit inatasan niya na maging alerto ang kapulisan ng Cavite upang maiwasan ang malagim na trahedyang naganap sa Kidapawan bombing. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Idineklarang patay sa ospital si Herman Lapaos, 20, binata ng Brgy. San Rafael 3, San Jose del Monte City, samantala, ang suspek na si Joseph Emetrio, alyas Boy Tubo ay mabilis tumakas matapos isagawa ang krimen dakong alas-4 ng hapon.
Ang biktima ay self-supporting student bilang nagtitinda ng tinapa at magtatapos ng high school sa darating na taon.
Sa ulat ni P/Supt. George Torcuator, hepe ng pulisya sa bayang ito, tinawag ng grupo ng suspek ang biktima at kumuha ng tindang tinapa upang ipulutan ngunit nang sinisingil na ito ay tumangging magbayad kaya naganap ang krimen. (Ulat ni Efren Alcantara)