Sub-commander ng Sayyaf naaresto
October 12, 2002 | 12:00am
CAMP CRAME Muli na namang nalagasan ng puwersa ang teroristang Abu Sayyaf makaraang maaresto ng pulisya ang isa sa mga lider nito na may patong na P1 milyon, kahapon ng umaga sa Zamboanga City.
Sa ulat ng Police Regional Office 9, nadakip si Daim Dansaim sub-commander ng Abu Sayyaf dakong alas-11 kahapon ng umaga sa kasagsagan ng Hermosa Festival sa naturang lungsod.
Sinabi ni PRO9 Director, Chief Supt. Simeon Dizon, itinuro ng isang police asset si Dansaim na nakikisaya sa piyesta sa lungsod.
Si Dansaim ay responsable sa mga kidnapping sa Sulu at Basilan at ang malagim na Zambo blast na ikinasawi ng US Green Beret at 3 Pinoy noong nakalipas na linggo.
Nakatakda namang mabigyan ng naturang reward money ang naturang police asset na siyang nagturo sa kinaro-roonan ng suspek. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest