Ilan sa mga kapitbahay ng biktimang si Nestor Apit, ang nakasaksi sa krimen na ilang maskaradong kalalakihan ang natiyempuhang nasa loob ng bahay ni Apit saka nagpaputok ng sunud-sunod.
Ayon sa pulisya, isang linggo pa lamang ang nakalilipas ay itinumba rin si tribal chieftain Zainal Campong ng Barangay Labungan malapit sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Dahil sa walang saksing maglakas-loob na lumantad sa naganap na krimen ay nahihirapan ang mga awtoridad na mangalap ng impormasyon sa pagkikilanlan ng mga killer. (Ulat ni John Unson)