Ang biktima na natagpuan sa palikuran ay kinilalang si Antonio Osorio, samantala, ang live-in partner na halos hindi makausap ng pulisya ay nakilalang si Maria Alma Verbo, 26, at kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Base sa ulat ni P/Supt. Osmar Israel, hepe ng pulisya sa bayang ito, ganap na alas-12:30 ng madaling-araw nang dumating ang biktima na lango sa alak at hinihikayat na makipagtalik sa kanya si Verbo ngunit pasigaw na tumanggi ang babae kaya nagpasyang mag-suicide ang binata. (Ulat ni Efren Alcantara)