^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Pulis itinumba sa videoke bar
CAMP CRAME — Pinaniniwalaang paghihiganti ang naging motibo sa pagkamatay ng isang kagawad ng pulis-Bacolod makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan sa loob ng Sachi videoke bar kamakalawa ng madaling-araw sa Burgos St., Brgy. Uno, Silay City, Negros Occidental.

Limang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni SPO1 Walter Mendoza ng Purok Masinadyahon, Brgy. Guinhalaran ng nabanggit na lugar.

Sa nakarating na ulat kahapon sa Camp Crame, naitala ang krimen bandang alas-4 ng madaling-araw habang umiinom ng alak ang biktima. Pinalalagay na nasa loob din ng naturang bar ang mga killer at namataan ang pulis na nakabangga nito kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)
Barangay kagawad patay sa ambush
PILAR, Sorsogon — Tinambangan at napatay ang isang bagong halal na barangay kagawad ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay papalabas ng kanyang bahay sa Brgy. Salvacion sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kasalukuyang inaalam ng mga imbestigador ang naging motibo ng pamamaslang kay Napoleon Buaquena, 39, may asawa, magsasaka ng naturang barangay.

Samantala, ang mga killer na sakay ng L300 van na walang plaka ay mabilis na nagsitakas matapos isagawa ang pananambang dakong alas-8:30 ng umaga. Hindi na inabutan ng mga nagrespondeng pulisya ang sasakyan ng mga killer dahil sa bilis ng pangyayari. (Ulat ni Ed Casulla)
Dalaga ni-rape ng 2 adik
SAN ANTONIO, Nueva Ecija — Isang 27-anyos na dalaga ang iniulat na pinilahang halayin ng dalawang trike drayber na pinaniniwalaang mga adik sa droga makaraang makumbinsi ang biktima na sumakay sa tricycle at dalhin sa madilim na bahaging Brgy. Sto. Cristo sa bayang ito kamakalawa ng madaling-araw.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Margarita, samantala, ang mga inakusahang rapist na ngayon ay nakakulong sa police detention cell ay kinilalang sina Marion Villafuerte at Enrico Mantala na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naghihintay ang biktima ng masasakyan at nagkataon namang dumating ang trike ng dalawa at kinumbinsing sumakay na lamang ang dalaga ngunit pagdating sa madilim na bahagi ng naturang lugar ay isinagawa ang krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Binata kinatay ng karibal sa panliligaw
SILANG, Cavite — Matinding selos ang umiral upang mapatay sa itak ang isang 20-anyos na binata ng kanyang karibal sa panliligaw makaraang abangan ang biktima habang naglalakad papauwi kamakalawa ng gabi sa Brgy. Old Bulihan sa bayang ito.

Animo’y kinatay na hayop ang katawan ng biktimang si Roberto Renin ng Brgy. Zone 3, samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ay nakilalang si Joan Serenas, binata ng Phase 5, Brgy. Old Bulihan.

Naitala ang krimen bandang alas-6 ng gabi matapos na tiyempuhan ng suspek ang biktima na nag-iisang naglalakad papauwi, ayon sa inisyal na pagsisiyasat ni PO1 Reyes.

Pinalalagay na naging magkaribal ang dalawa at nagtanim ng galit ang suspek kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BRGY

BURGOS ST.

CAMP CRAME

CENTER

CHRISTIAN RYAN STA

OLD BULIHAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with