3 preso sa Olongapo pumuga
October 8, 2002 | 12:00am
OLONGAPO CITY Tatlong preso na may nakabimbing kaso sa korte ang iniulat na pumuga mula sa police precinct detention cell noong Linggo ng madaling-araw.
Kinilala ang mga pumuga na sina Butch Dana Peña, 21; Ireneo Capones, 37; at Noel Brigania Cantonas, 29, na pawang residente ng Olongapo City.
Napag-alaman sa ulat ni P/Sr. Supt. Orlando Madella Jr., Olongapo police director, si Peña ay kaagad namang nadakip sa Brgy. Caarusipan, San Felipe, Zambales sa isinagawang follow-up operation ng kanyang mga tauhan.
Samantala, ang dalawa pang preso na may mga kasong robbery at drug pushing ay tinutugis sa hindi binanggit na lugar upang hindi maantala ang pagkakadakip.
Ang pagpuga ng tatlo ay isinagawa sa pagitan ng alas-2 hanggang alas-4 ng madaling-araw.
Nabatid pa na bumili ng katulad na padlock ang asawa ni Capones na si Malou Capones at kaibigang si Allan Fernandez at ipinalit sa orihinal na kandado ng selda kaya malayang nakapuga ang tatlo.
Kasunod nito, sinibak naman ni Madella sina P/Insp. Cipriano Guntang, SPO4 Rodrigo Cana, SPO2 Rufino Masiclat, SPO1 Arturo Maniquez, SPO1 Emerson Valdez at PO1 Carlito Ballon Jr. na naka-duty noong pumuga ang tatlong preso. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest