^

Probinsiya

Trader nakatakas sa mga kidnaper

-
CAMP OLIVAS, Pampanga — Isang negosyante na napaulat na dinukot noong Biyernes, Oktubre 4, 2002 ng anim na armadong kalalakihan sa Brgy. Poblacion sa compound ng simbahan ng Baliuag, Bulacan ang himalang nakatakas makaraang makatulog ang kanyang bantay noong Sabado.

Sa ulat ni P/Sr. Supt. Felizardo Serafio, Bulacan police director, si Gerardo Mendoza, 38, ng Aurea Village, Brgy. Subic, Baliuag, Bulacan ay sapilitang isinakay sa kulay pulang Mitsubishi Lancer na walang plaka.

Ayon kay Mendoza, si Rene Raquel na isa sa mga kidnaper ay kanyang nakilala habang nasa loob ng naturang sasakyan na may kasunod na dalawang kotse na parehong walang plaka.

Dinala si Mendoza sa safehouse sa Brgy. San Roque, San Rafael at humihingi ng P2-milyon kapalit ng kalayaan, ayon sa ulat ng pulisya.

Nakatiyempo namang makatakas ang biktima sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod habang natutulog ang bantay at pansamantalang nagtungo sa bahay na pag-aari ng pamilya Cruz sa Brgy. San Jose, San Rafael.

Kaagad namang sinalakay ng mga awtoridad ang safehouse ng mga kidnaper ngunit mabilis namang nakatakas at ang naiwan ay ang damit ng biktima na sumabit sa barbed wire na bakod. (Ulat nina Ric Sapnu/Efren Alcantara)

vuukle comment

AUREA VILLAGE

BALIUAG

BRGY

BULACAN

EFREN ALCANTARA

FELIZARDO SERAFIO

GERARDO MENDOZA

MENDOZA

MITSUBISHI LANCER

SAN RAFAEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with