Bagong landfill sa Cavite pinasinayaan
October 7, 2002 | 12:00am
BACOOR, Cavite Pormal na binuksan kamakalawa ng umaga nina Secretary Heherson Alvarez ng Deparment of Environment and Natural Resources (DENR); Cavite Governor Erineo "Ayong" Maliksi; Senator Robert Jaworski at Bacoor Mayor Jessie Castillo ang Bacoor Material Recovery Facility and Composting Plant sa Sitio Malipay, Brgy. Molino IV sa bayang ito.
Ang pagbubukas ng bagong landfill na may sukat na 5.3 ektaryang lupain ay ginastusan ng milyong piso ng nabanggit na lalawigan upang maresolba ang lumalalang problema sa basura.
Sinabi ni Cavite Governor Ayong Maliksi na may kakayahan ang Bacoor Material Recovery Facility and Composting Plant na makapagtapon ng 20 trak ng basura kada araw na katumbas ng 95 tonelada.
Kaugnay nito, hinikayat naman nina Cavite Governor Ayong Maliksi at Bacoor Mayor Jessie Castillo ang mga residente na sumunod sa lahat ng alituntunin sa pagtatapon ng kanilang basura upang maayos at hindi makaranas ng anumang problema sa bagong planta.
Kabilang din sa dumalo sa pagbubukas ng bagong planta sina Vice Governor Johnvic Remulla, Bacoor Vice Mayor Edwin Malvar, mga alkalde sa bayan ng Cavite at lokal na opisyales ng pamahalaan ng Bacoor. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 10 hours ago
By Cristina Timbang | 10 hours ago
By Tony Sandoval | 10 hours ago
Recommended