5 NPA todas sa engkuwentro
October 7, 2002 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Limang rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang iniulat na nasawi matapos ang panibagong sagupaan sa pagitan ng mga sundalo ng Philippine Army kahapon ng umaga sa lalawigan ng Pampanga.
Kasalukuyan pang inaalam ng militar ang pagkakakilanlan sa mga rebeldeng napatay sa engkuwentro samantala walang nalagas sa puwersa ng militar.
Sa ulat ni 7th Infantry Division chief, Maj. General Alberto Braganza, bukod sa mga nasawi, marami pa sa mga rebelde ang sugatang tumakas habang narekober naman sa scouring operation ang limang kalibre ng baril.
Nabatid na nakasagupa ng mga elemento ng 69th Infantry Battalion at Military Intelligence Company ang 15 rebelde sa kabundukan ng Brgy. Gandos, Mexico, Pampanga.
Tumagal ang sagupaan ng may 20 minuto hanggang sa umatras ang mga rebelde. Patuloy namang hinabol ang mga ito ng mga sundalo.
Kasalukuyang sinusuyod ng mga sundalo ng 7th ID ang kabundukan ng Central Luzon bilang pagtalima sa kautusan ni AFP Chief of Staff, General Benjamin Defensor noong Setyembre 29. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended