Trader patay sa ambus, misis grabe
October 7, 2002 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Pinaniniwalaang karibal sa negosyo ang pagkakapatay sa isang trader at malubhang ikinasugat ng kanyang misis makaraang tambangan ng anim na hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang mag-asawa ay pagarahe sakay ng Nissan Frontier sa Brgy. San Agustin 3 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Si Josefino Mojica, 48, may negosyong money changer ay nagtamo ng maraming tama ng bala ng M-16 assault rifle, kalibre .45 at 9mm baril, samantala, ang asawang si Aida Mojica, 42, ay inoobserbahan sa De La Salle University Medical Center.
Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Roberto Soriano, hepe ng pulisya sa bayang ito, naitala ang krimen bandang alas-6:45 ng gabi habang ang mag-asawa ay pagarahe sakay ng kulay berdeng kotse (JSM-323) sa 165 Catalina Avenue, Villa Catalina Subdivision ng nabanggit na barangay.
Matapos isagawa ang krimen ay nagsitakas ang mga killer sakay ng trike at dalawang motorsiklo na may plakang TR8515 at PH7143.
Narekober ng mga tauhan ni P/Supt. Soriano ang motorsiklong ginamit sa pananambang na inabandona sa hindi kalayuang bahay ng mag-asawa.
Ilan sa mga nakasaksi sa pangyayari ang namukhaan ang mga killer at kasalukuyang tinitiktikan ang pinagkukutaan at pansamantalang hindi muna binanggit ang mga pangalan upang hindi makalayo. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended