Suicide atacks ilulunsad ng Sayyaf
October 5, 2002 | 12:00am
Umpisa pa lamang umano ang naganap na suicide bombing sa Zamboanga City na ikinasawi ng tatlo katao kabilang na ang isang US Army Special Forces sa ginawang pagbabanta sa radyo kamakailan ni Abu Sayyaf chieftain Khadaffy Janjalani.
Sinabi kahapon ni PNP spokesman P/Sr. Leopoldo Bataoil, malaki ang posibilidad na sina Janjalani nga ang utak ng naganap na pagsabog sa Brgy. Malagutay na sinundan kamakailan ng gabi sa Brgy. Guiwan, Zamboanga City.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng militar katulong si Col. Jason Weintraub, US Army Attache na nagtungo na sa Zamboanga City upang matiyak kung anong grupo ang may kagagawan ng pangyayari.
Kasalukuyang nakikipagkoordinasyon na si Weintraub kay Phil. Army Col. Alexander Yano na namumuno sa "Task Force Zamboanga" upang mabatid ang katauhan ng "suicide bomber" na si Bernard Limbo.
Inaalam din nila kung konektado ito sa Al-Queda Network ni international terrorist Osama Bin Laden, o ang iba pang international terrorist group tulad ng Jemaah Islamiyah.
Mas naghigpit naman ng seguridad ang "Task Force Deportees" sa Bongao, Zamboanga del Norte at Tawi-Tawi ukol sa posibilidad na nahahaluan na ng mga terorista na nagpapanggap na Pinoy na nanggagaling sa Malaysia.
Naniniwala ang Malakanyang na ang ikalawang pagsabog na naganap sa Zamboanga ay isa lang panggagaya sa naunang insidente na ang layon lamang ay guluhin ang sitwasyon.
Ayon kay Secretary Eduardo Ermita, Presidential Adviser on the Peace Process, hindi pa naman lubhang nakakaalarma ang sitwasyon.
Ang lahat ng iyan ay ginagawa nila para ipakita na mayroon pa silang puwersa, malakas pa sila. Alam naman ng gobyerno iyan. Of course it is a cause for concern, pero hindi pa naman nakakaalarma," ani Ermita. (Ulat nina Danilo Garcia/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest