^

Probinsiya

Antipolo isusunod ng NPA na sasalakayin

-
ANTIPOLO CITY – Binabalot ngayon ng matinding tensiyon ang mga residente dito matapos na makatanggap ng intelligence report ang pulisya na susunod na sasalakayin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang lungsod na ito.

Nauna nang isinailalim sa double red alert ni Rizal Provincial Command Director P/Sr. Carlito Dimaano ang buong lalawigan dahil sa bantang pag-atake ng mga rebelde.

Batay sa nakalap na intelligence report, isa sa mga araw na ito ay nakatakda na umanong lusubin ng mga rebelde ang Kababayan Center 3 at 1 ng Antipolo PNP, upang ipahiya ang gobyerno.

Nabatid na ang KC-3 na nasa kahabaan ng Marcos Highway, Brgy. Bagong Nayon ay nasa gilid mismo ng pampublikong pamilihan ng Cogeo at isa sa pinakamadaling salakayin dahil sa malayo ito sa kabihasnan.

Dahil dito ay makikitang hindi na nag-uwian ngayon ang mga pulis at hindi rin nag-aalisan sa kani-kanilang puwesto hawak ang matataas na kalibre ng baril bilang paghahanda sa pag-atake ng NPA anumang oras.

Inatasan na ni Dimaano, ang lahat ng hepe ng pulisya sa 13 pang bayan ng Rizal na maghanda dahil posibleng target lang ang Antipolo ngunit sa ibang bayan naman sasalakay. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BAGONG NAYON

BATAY

BINABALOT

BRGY

JOY CANTOS

KABABAYAN CENTER

MARCOS HIGHWAY

NEW PEOPLE

RIZAL PROVINCIAL COMMAND DIRECTOR P

SR. CARLITO DIMAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with