Pulis patay sa mga rebelde

Isang pulis kumander ang iniulat na nasawi makaraang paulanan ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng Muslim ang presinto ng pulisya sa Zamboanga del Norte.

Agad na napatay si SPO4 Reynaldo Grass Lumawan, kumander ng Dimataling municipal police station na sakop ng Sitio Quarry, Brgy. Kagawasan ng naturang lugar.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naitala ang pag-atake ng mga rebeldeng Muslim dakong alas-9:45 ng umaga at hindi na nakaporma pang gumanti ng mga pulis na nasa loob ng nabanggit na presinto dahil sa pagkabigla. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments