^

Probinsiya

3 bayan sa Rizal nanganganib na salakayin ng NPA rebels

-
RIZAL – Posibleng tumitiyempo na lamang ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) para umatake anumang oras sa mga liblib na bayan sa lalawigang ito.

Ito’y matapos na mamataan ang tinatayang 40 armadong miyembro ng Narciso Aramil Command na umaaligid na sa bayan ng Rodriguez, ang lugar na kadalasang binababaan ng mga rebelde para makalapit ang mga ito sa National Capital Region (NCR).

Nakatanggap ng intelligence report ang tanggapan ni Rizal Provincial Police Command P/Sr. Supt. Carlito Dimaano na sasalakay anumang oras sa nasabing lalawigan ang mga rebeldeng komunista.

Partikular na target ng pagsalakay maliban sa bayan ng Rodriguez ay ang Jala-Jala, Pililia, Morong at iba pang karatig pook.

Kaugnay nito, minaliit naman ni P/Sr. Inspector Anastacio Benzon, hepe ng Rodriguez police ang intelligence report na ang kaniyang himpilan ang mas target na salakayin ng mga rebelde.

Nabatid na kabilang sa mga lugar na pinamumugaran ng mga rebelde sa bayan ng Rodriguez ay ang Brgys. Panabut, Puray, Mascap, San Isidro at San Rafael.

Samantala, nagsasagawa na rin sila ng pakikipagkoordinasyon sa mga kinatawan ng Non Government Organization (NGO’s) at Local Government Units upang paghandaan ang posibleng pag-atake ng mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

CARLITO DIMAANO

JOY CANTOS

LOCAL GOVERNMENT UNITS

NARCISO ARAMIL COMMAND

NATIONAL CAPITAL REGION

NEW PEOPLE

NON GOVERNMENT ORGANIZATION

RIZAL PROVINCIAL POLICE COMMAND P

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with