Estudyante todas sa mga sundalong senglot
October 3, 2002 | 12:00am
STO. DOMINGO, Albay Isang magtatapos na estudyante sa kolehiyo ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga sundalo ng Phil. Army na lango sa alak sa Mayon spring resort sa bayang ito kamakawala ng gabi.
Nakilala ang biktima na si Joel Asejo, 20, binata at college student sa Bicol University of Education at residente ng Brgy. Binitayan, Daraga, Albay.
Samantala, ang isa sa mga suspek na sundalo ay kinilalang si Sgt. Alex Estacio na kasalukuyang tinutugis ng pulisya sa hindi binanggit na lugar.
Napag-alaman sa ulat ni P/Insp. Rolly Esguerra, hepe ng pulisya sa bayang ito, naitala ang krimen dakong alas-10:45 ng gabi sa naturang lugar dahil sa birthday party ng isa sa kaklase ng biktima.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya na dumating ang mga suspek na lango sa alak at napagtripang guluhin at bulabugin ang masayang birthday party ng mga kaklase ng biktima
Nakatiyempo namang lumayo ng biktima sa kaguluhan ngunit namataan siya ng isa sa mga suspek kaya pinagtripang barilin hanggang sa mapatay.
Ang mga sundalong lango sa alak ay tumakas sakay ng ambulansyang walang plaka at hindi nagbayad ng mga kinain at ininom na alak sa nabanggit na resort. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended