Adik pumatay ng 2 bago itinumba

MEYCAUAYAN, BulacanDahil sa pagkadismayang iwanan ng nobya ay naging sanhi upang mag-amok ang isang 24-anyos na adik na nakapatay ng dalawa katao kabilang na ang kanyang kasintahan bago napatay ng mga nagrespondeng pulis kamakalawa ng gabi sa Purok Daang Bakal, Brgy. Calvario sa bayang ito.

Si Harry Blas na may nakabinbing kasong cellphone snatching at kilalang adik ay nabaril at napatay ni PO3 Roberto Hufano makaraang magpaputok ng shotgun si Blas.

Samantala, nakilala naman ang dalawang sinaksak at nasawi na sina Jovel Manalastas, 17, estudyante at Oliver Cervantes, 27 habang malubhang nasugatan si Jerry Regis, 16 na nadamay sa pagwawala ni Blas.

Sa ulat ni PO3 Nick Aspeli, naganap ang pangyayari dakong alas-7:30 ng gabi makaraang magtungo si Jovel sa bahay ni Blas na kanyang nobyo at nagsabing makikipaghiwalay na ito dahil ayaw sa kanya ng mga magulang kaya nairita ang adik bago nag-amok. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments