^

Probinsiya

Rapist hinatulang mabitay

-
TACLOBAN CITY – Isang batang restaurant helper sa Alang-Alang, Leyte ang hinatulang mabitay ng mababang korte makaraang mapatunayan sa kasong statutory rape at 7 counts ng panghahalay sa kanyang walong taong gulang na pamangkin noong Hulyo 1999.

Sa 15-pahinang desisyon ni Judge Crisostomo Garrido ng Regional Trial Court, Branch 7, ipinataw kay Henry Arpon ang bitay at magbabayad siya ng P350,000 bilang moral damages sa P50,000 bilang bayad sa litigation sa biktima.

Si Arpon na houseboy ni Gloria Salazar sa Tacloban City ay hindi nakumbinsi ang mababang korte sa kanyang alibi dahil sa walang sapat na ebidensya na nagpapatunay na wala siyang kinalaman sa krimen.

Base sa record ng korte. positibong itinuro ng biktima ang akusado sa kasong panghahalay na nagsimula pa noong 1995 hanggang Agosto 1999.

Naganap ang krimen noong 13-anyos pa lamang si Arpon, samantala, ang biktima naman ay 8-anyos ngunit positibong kinilala ng batang babae ang akusado sa korte sa edad na 14-anyos sa pagdinig ng naturang kaso. (Ulat ni Miriam Garcia Desacada)

AGOSTO

ARPON

GLORIA SALAZAR

HENRY ARPON

HULYO

JUDGE CRISOSTOMO GARRIDO

MIRIAM GARCIA DESACADA

REGIONAL TRIAL COURT

SI ARPON

TACLOBAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with