NEDA official pinatay

COTABATO CITY – Isang opisyal ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa Region 12 ang kumpirmadong binaril at napatay ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nasa labas ng sariling bahay sa lungsod na ito kamakalawa.

Si Oscar Ramos, empleyado ng NEDA bilang assistant director sa Region 12 ay tinamaan sa ulo ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril.

Samantala, ang nag-iisang killer ay palakad na lumayo sa pinangyarihan ng krimen na animo’y walang nangyari.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga tauhan ni P/Sr. Supt. Sangacala Dampac, city police director, ang motibo sa pagpaslang sa biktima. (Ulat ni John Unson)

Show comments