Pulis na nasugatan sa atake ng NPAs patay na
September 29, 2002 | 12:00am
LOPEZ, Quezon Binawian din ng buhay kamakalawa ng gabi ang isa sa tatlong pulis na nasugatan sa pagsalakay ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Lopez police station, kasabay na narekober ang ginamit na sasakyan ng mga rebelde.
Si SPO2 Nestor Santiago na namatay sa pinagdalhang ospital ay asawa ni Municipal Councilwoman Marivic Gutierrez-Santiago.
Sina Supt. Cesar Santander, hepe ng police station na nauna nang nasawi at Santiago ay pinagkalooban ng Medalya ng Kagitingan bilang pagpapakita ng katapangan sa pagtatanggol sa kanilang himpilan.
Samantala, narekober sa Gumaca, Quezon ang sasakyang Besta van at motorsiklo na iniwanan ng mga nagsitakas na mga rebelde.
Ang engkuwentro ay tumagal ng 30 minuto bago nagsitakas ang mga rebelde.
Nasugatan naman ang sibilyang si Engracio Dacilio, bus driver na nasa loob ng police station nang maganap ang putukan at ama ng isang local official ng Buenavista, Quezon na hindi pa nabatid ang pangalan. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended