Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sergio Morales, 61, may-asawa, at nakatira sa nabanggit na lugar.
Si Morales ay idineklarang dead-on-the-spot sanhi ng tinamo nitong mga tama ng bala sa ibat ibang parte ng katawan.
Nabatid sa ulat na ang biktima ay papaalis na buhat sa bahay ng kanyang anak na babae na si Marites Anillo nang bigla na lamang sumulpot sa harapan ng kanyang sasakyang Toyota Corola na may plakang DMJ-954 ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Isa sa mga suspek ang bumaba sa motorsiklo ang bumunot ng dalang caliber 45 sa baywang at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang biktima at niratrat ang buong sasakyan nito.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang isinagawang krimen sakay ng kulay pulang motorsiklo na walang plaka sa hindi malamang direksyon. (Ulat ni Ed Amoroso)