^

Probinsiya

Sex cult lider pinapantasyahan si Ex-pres. Cory

-
Ibinunyag ng lider ng sex cult na nakabase sa Negros Occidental na ang kanyang semilya ay maituturing na "water of life" habang ipinagmamalaki rin nito na sila ni dating Pangulong Corazon ‘Cory’ Aquino ay magpapakasal at ang kanilang honeymoon ay live via satellite sa buong mundo.

Ayon sa paniniwala ng mga miyembro ni Leonardo Erobas, lider ng sex cult na nagpapakalat ng Espedeject Ideology, sa sandaling matikman ng sinumang kasapi ang semilya ng kanilang lider ay gagaling sa anumang sakit at makakapamuhay nang walang hanggan.

Ipinagmalaki rin ni Erobas na nagsasabing sumanib sa kanya ang kaluluwa ni yumaong Sen. Ninoy Aquino na magpapakasal sila ni Cory Aquino.

Aniya, ang pagpapakasal niya kay Cory ang magiging huling pagkakataon na siya ay makikipag-isang-dibdib sa itinuturing niyang reincarnation ni Eva.

Sa imbitasyon ni Erobas sa mga senador na sumapi sa kanyang kulto kapalit ang libreng sex sa kanyang mga menor-de-edad na mga miyembro na nakasulat sa Ilonggo dialect ay buong pagmamalaking sinabi nito na ang sinumang sumapi sa kanilang kulto na naniniwala sa Espedeject Ideology ay mabubuhay hanggang 1,000 taon.

Kasunod nito, hiniling kahapon ng mga senador sa lider ng sex cult na ibunyag ang mga pulitiko at mayayamang negosyante na naging kasapi ng kanilang kulto kasabay ang pag-amin kung saan nagmumula ang kanilang pondo.

Samantala, inakusahan naman ni Senate Majority Leader Loren Legarda-Leviste na sira-ulo ang lider at miyembro ng nasabing sex cult at ang dapat sa mga ito ay ikulong upang hindi na makahawa pa ng ibang tao na maturuan ng mala-demonyong paniniwala.

Maging ang mga kongresista ay naiskandalo sa natanggap na imbitasyon ng sex cult sa mga senador na sumali sa kanilang kulto.

Dapat anyang kasuhan sa korte ang nagpakilalang lider ng kulto at mga kasapi nitong ginagawang sex object ang mga kabataan.

Kailangan din aniyang alamin ng PNP at NBI ang posibilidad na kapabayaan ng lokal na pamahalaan sa operasyon ng kulto.(Ulat nina Rudy Andal at Malou Escudero)

vuukle comment

CORY AQUINO

EROBAS

ESPEDEJECT IDEOLOGY

LEONARDO EROBAS

MALOU ESCUDERO

NEGROS OCCIDENTAL

NINOY AQUINO

PANGULONG CORAZON

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with