Kinilala ang mga biktima na sina Erwin Briones, 7, ng Brgy. Sta. Lucia at ang magkapatid na sina Angelica, 9 at Jennalyn Lontoc, 12, ng Brgy. Pinagdanglayan.
Base sa ulat ni Municipal Environment Officer (MENRO) Manuel Calayag, naganap ang pangyayari bandang alas-dos ng hapon.
Si Briones ay tinangay ng tubig-baha matapos na lumambot at lumubog ang inaapakan nitong lupa.
Natagpuan ang bangkay ni Briones sa ilog ng Lagnas sa Brgy. Poblacion.
Samantala, si Angelica ay nahulog sa ilog at sinikap na sagipin ng kanyang utol na si Jennalyn ngunit biglang gumuho rin ang inaapakan nitong lupa kaya kapwa tinangay ng tubig-baha.
Pinaniniwalaang mga illegal loggers na nagsasagawa nang pamumutol ng punong-kahoy sa Mt. Banahaw ang naging sanhi upang magka-flashflood sa nabanggit na bayan. (Ulat ni Tony Sandoval)