Mga senador hinihikayat sa sex cult

Hinihikayat na sumapi kahapon ang mga senador sa grupo ng sex cult mula sa Negros Occidental upang makapamuhay ng sanlibong taon kapag nakipagtalik sa mga kabataang babae.

Dahil dito ay pinaiimbestigahan ni Senator Robert Jaworski sa National Bureau of Investigation (NBI) ang sex cult lider na si Leonardo Erobas mula sa Hacienda Guba, Alijis, Villadolid, Negros Occidental na nagpadala ng mga kopya ng bold photos na naglalarawan ng sexual act ng kanilang mga miyembro.

Pinadalhan din ng mga kopya ng bold photos na may kasamang leaflets sina Senators Loren Legarda-Leviste, Rodolfo Biazon at Ramon Magsaysay Jr. na kinukumbinsi silang sumapi sa sex cult.

Natabunan ang isinasagawang imbestigasyon tungkol sa prangkisa ng National Transmission Corp. (Transco) dahil sa binulabog ng mga sulat na may kalakip na bold photos ni Erobas ang lahat ng senador. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments