Banggaan ng jeep at trak, 3 patay, 1 grabe
September 25, 2002 | 12:00am
SILANG,Cavite-Tatlo-katao ang nasawi, samantala, isa pa ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang dyip na sinasakyan ng mga biktima sa trak sa kahabaan ng General Aguinaldo Highway sa Brgy. Biga 2 sa bayang ito kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Henry Agaten, 24, may asawa; Jeffrey Austria, 25, binata at Rommel Sarreal, 25, may asawa, driver ng owner-type dyip (DFZ-742) at pawang residente ng Brgy. Salitran, Dasmariñas, Cavite.
Kasalukuyan naman nakikipaglaban kay kamatayan sa Estrella Hospital si Arnel Castro, 22, binata ng Brgy. Salitran.
Kaagad naman sumuko ang drayber ng trak na si Mario Vertudez, 47, ng 114 Pureza St., Sta. Mesa, Manila.
Sa imbestigasyon ni PO1 Erwin Laureles, naganap ang aksidente dakong ala-una ng madaling-araw matapos na mawalan ng kontrol ang drayber ng dyip sa kurbadang kalsada saka sumalpok sa kasalubong na trak. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended