Kinilala ang mga nasawi na sina Roderick Mercado, 28, drayber ng trike; mga pasaherong sina Regino Mojar, 30, binata at Richard Bandona, 24, ng Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal.
Samantala, ang mga nasugatan ay nakilalang sina Benjie Bandiola, Jomar Adriano, Marvin Nixon, Romel Joel Peñaranda at Christopher Casale.
Sumuko naman ang driver ng bus (DVN-593) na si Rene Navea na may biyaheng Infanta, Quezon matapos na maganap ang aksidente dakong alas-4:30 ng madaling-araw. (Ulat ni Joy Cantos)
Ang biktima na tinamaan sa ulo ay nakilalang si Fermin Manalo, 66, may asawa, samantala, ang suspek na hindi nakilala ay tumakas sakay ng tricycle patungo sa hindi nabatid na direksyon.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Rafael Ausa, isinagawa ang krimen dakong alas-4 ng hapon makaraang magtalo ang dalawa sa pagkakaparada ng tricycle na sinasakyan ng suspek.
Nakiusap umano si Manalo sa suspek na iparada nang maayos ang trike upang hindi makasagabal sa trapik ngunit nairita ang suspek kaya binaril nito ang biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)
Itinali ang dalawang kamay saka binaril ang biktimang si Roman Caballero, magsasaka at residente ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman na kahit nagmamakaawa na ang misis at anak ng biktima ay isinagawa pa rin ng mga rebelde ang krimen bandang alas-7 ng gabi sa harap ng bahay ng pamilya Caballero. (Ulat ni Ed Casulla)
Sa record ng Ombudsman, si Lucena Mayor Ramon Talaga Jr. ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3, Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corruption Practices Act) na isinampa ni Raymundo V. Nazario na nagmamay-ari ng Elan Recreation, Inc. (ELAN).
Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso ni Nazario sa Ombudsman laban kay Mayor Talaga Jr. makaraang ipasara nito ang larong Bingo na pinamamahalaan ng naturang kompanya na awtorisado naman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Nagpalabas naman ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa nabanggit na alkalde noong Agosto 27, 2002 ngunit pinaniniwalaang naglagak na ng piyansa upang makalaya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)