Pansamantalang sinuspinde ang sentensya na nilagdaan noong Agosto 8, 2002 ni Regional Trial Court, Branch 7 Judge Crisostomo Garrido hanggang sa umaabot ang akusado sa tamang edad at isinailalim sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development Regional Rehabilitation for Youth sa Tanauan, Leyte.
Base sa record ng korte, ang akusado na residente ng Daraga, Albay ay umamin sa isinampang kaso noong nakalipas na buwan sa korte kasama si Nelia Saño.
Ang batang akusado ay inaresto ng operatiba ng pulisya sa Dulag, Leyte dakong alas-9:20 ng umaga noong Enero 25, 2002 kasama si Eduardo Saño na asawa ni Nelia dahil sa pag-iingat ng 1,627 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa diyaryo.
Sa ipinalabas na resolution noong Hunyo 6, 2002 ng Provincial Prosecutor Dagandan, inabsuwelto naman si Eduardo sa kaso ngunit mariing idiin ng bata si Nelia na siyang nagbigay ng droga sa kanya. Kasalukuyang nakapiit si Nelia at naghihintay na lamang na ipatawag ng kaso. (Ulat ni Miriam Garcia Desacada)