Tower ng Globe sinunog ng NPA
September 23, 2002 | 12:00am
Davao del Sur -- Muling nagsagawa nang pananabotahe ang mga rebeldeng New People's Army (NPA) matapos sunugin ng mga ito ang cellsite tower ng Globe Telecoms kamakalawa sa Davao del Sur.
Iniulat ni Sta Cruz Mayor Joel Rey Lopez ng lalawigang ito na may pitong rebeldeng NPA ang umatake sa Globe tower sa Brgy. Coronon dakong alas-6:30 ng gabi.
Nabatid na lumabas umano ng gate ang security guard na si Reynaldo Cañete upang bumili ng kanyang pagkain ngunit hinarang siya ng mga rebelde.
Pinapasok pa umano siya ng mga rebelde sa loob at binuhusan ng gasolina ang stand by generator,signal power apparatus at 2 unit ng aircondition system bago sinindihan gamit ang isang lighter.
Bago tumakas ang mga rebelde ay tinangay pa ngmga rebelde ang cellphone ni Cañete. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest