2 trak nagsalpukan, 1 patay, 17 sugatan
September 23, 2002 | 12:00am
SAN LEONARDO, Nueva Ecija Isang pahinante ang kumpirmadong nasawi, samantala, labimpito-katao ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang trak sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Castillano sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Ang namatay na biktima ay nakilalang si Danilo Mallari ng Brgy. Buliran, San Antonio, Nueva Ecija, samantala, nasa Gonzales General Hospital ang mga sugatang biktima na sina Jomary Pacquiao, Efren Alberto, Mag-amang Ferdinand Jr. at Ferdinand Avelino Sr., Jimmy Pillera, Manuel Manlusoc, Cresenciano Torres, Norman Yumol, Allan Wycoco, Ricardo Dayao, Leonidez Dayao, Nicanor Anupol ng San Isidro, Nueva Ecija, Romy Mangira ng Mexico Pampanga, Renante Santos, Randy Gatuz Oscar Padis, 50 ng Brgy. Ampil, Sta. Mesa, Manila at Wilfredo Javier, 33 ng Brgy. Maligaya, Cabiao na kapwa drayber ng trak.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Danilo Delos Santos, naganap ang salpukan ng dalawang trak na may plakang (NUN-155) at UTP-750) dakong ala-1 ng madaling-araw makaraang mawalan ng kontrol ang isa sa trak na nagtuloy sa kabilang linya ng kalsada saka sumalpok sa kasalubong na sasakyan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest