1 MILF todas sa encounter

Napaslang ang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) samantalang pinaniniwalaang marami pa ang nasugatan sa panibagong sagupaan na naganap sa pagitan ng tropa ng militar at ng separatistang grupo sa Datu Plang, Maguindanao, kamakalawa.

Kasalukuyan pang bineberipika ang pagkakakilanlan ng biktima makaraang walang makuhang identification card sa katawan nito.

Nabatid na sumiklab ang sagupaan bandang alas-6:25 ng umaga habang nagsasagawa ng troop combat patrol ang mga elemento ng Philippine Army’s 37th Infantry Battalion sa may bisinidad ng Barangay Tee ng nasabing bayan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments