Barangay chairman patay sa rebeldeng muslim
September 22, 2002 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ng isang pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng Muslim ang isang incumbent Brgy. Chairman sa naganap na ambush attack sa isang liblib na lugar sa Pikit, Cotabato kamakalawa.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bunga ng agarang pagresponde ng mga elemento ng militar at pulisya ay natodas din nila ang salaring lumikida sa biktima.
Ang nasawing biktima ay nakilalang si Makakua Bada, Chairman ng Barangay Bualan ng nasabing bayan na agad binawian ng buhay matapos na mapuruhan ng tama ng bala sa ulo.
Kinilala naman ang nasawing suspek na si Silah Mulod na napuruhan din sa mga sensitibong bahagi ng kanyang katawan.
Base sa inisyal na pagsisiyasat, naganap ang insidente bandang alas-8:15 ng umaga habang abala ang biktima sa pamimili sa loob ng Pikit Public Market sa nasabing barangay.
Nabatid na bigla na lamang sumulpot ang suspek na armado ng caliber .45 pistol at kasunod nitoy walang sabi-sabing binistay ng bala ang biktima na duguang bumulagta hanggang sa tuluyang mamatay.
Makalipas lamang ang limang minuto ay kagyat na rumesponde ang mga tauhan ng Armys 40th Infantry Battalion at Pikit PNP sa lugar na pinangyarihan ng insidente.
Nagawa nilang makorner ang suspek subalit sa halip na sumuko ay nanlaban pa ito kaya tinamaan din ito sa kainitan ng schootout.
Napatay si Mulod kasabay na nabawi dito ang caliber .45 pistol na ginamit nito sa pamamaslang kay Bada.
Patuloy pang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang naganap na insidente subalit malaki ang hinala ng mga awtoridad na paghihiganti ang naging motibo ng pamamaslang. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended