^

Probinsiya

Barangay chairman inireklamo ng panliligalig

-
BACOOR, Cavite – Isang baguhang barangay chairman na pinaniniwalaang tauhan ni Bacoor Mayor Jessie Castillo ang iniulat na inirereklamo ng panliligalig ng mga residente sa Area-B Queensrow West sa bayang ito.

Si Brgy. Chairman Marnel Muñoz ay naging kontrobersyal sa kanyang nasasakupang barangay dahil sa sunud-sunod na reklamong natatanggap ng PSN dahil sa ginagawa nitong panliligalig, partikular na ang pagpapaalis ng mga sasakyang pribado sa harap mismo ng mga bahay na walang paradahan.

Isa sa pinag-iinitan umano ni Muñoz ay ang mga talyer ng sasakyan na sapilitang pinalalayas ang mga ginagawang kotse at van na kung tutuusin ay hindi naman sagabal sa malawak na kalsada.

Sinabi pa ng mga may-ari ng talyer na ngayon lamang nangyari ang ganito sa mahabang panahong pagnenegosyo na ang ibinabayad na buwis ay karagdagan sa lokal na pamahalaan.

Ayon sa mga residente na may negosyo sa nabanggit na barangay na aalisan daw ni Muñoz ng lisensya ang sinumang lalabag sa kanyang patakaran dahil sa pinagmamalaki nito na bata siya ni Mayor Castillo.

Mismong isang kliyente ng talyer ang nakasagutan ni Muñoz ang nasaksihan ang ginawang pambabastos sa pangalan ni Cavite Governor Erineo "Ayong" Maliksi dahil sa hindi nito paggalang kahit na nagpakilalang isa umanong malapit kay Maliksi.

"Wala akong pakialam kay Governor Maliksi dahil ako ang masusunod dito at hindi siya," ani pa ni Muñoz.

May palagay ang mga residente na lingid sa kaalaman ni Mayor Castillo ang ginagawang panliligalig ni Muñoz sa nasasakupang barangay.

Pinabulaanan naman ni Muñoz ang akusasyon ng mga residente maliban sa pambabastos ng pangalan ni Gov. Maliksi. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

AREA-B QUEENSROW WEST

BACOOR MAYOR JESSIE CASTILLO

CAVITE GOVERNOR ERINEO

CHAIRMAN MARNEL MU

CRISTINA GO-TIMBANG

GOVERNOR MALIKSI

MALIKSI

MAYOR CASTILLO

NTILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with