Minero patay sa iligal na minahan
September 20, 2002 | 12:00am
BUENAVISTA, Quezon Isang minero ang nakuryente at namatay sa loob ng tunnel ng iligal na minahan sa Brgy. Bulo sa bayang ito kamakalawa.
Kinilala ni Konsehal Rey Recto ng Buenavista ang biktima na si Rodrigo Renieva, may sapat na gulang at residente ng nasabing lugar.
Ibinunyag ng konsehal na ito ay ika-apat na sa namatay sa loob ng tunnel, ang naunang tatlo ay mga na-suffocate at pawang mga taga-Labo, Camarines Norte.
Ayon pa kay Recto, ang mining plant na ito ay pag-aari ng magkapatid na Ben at Emiliano Uri, na nagsimula ang operasyon noong October 1998 at walang environmental compliance certificate at mining permit.
Ipinasara na ito at pinagmulta ng P50,000 ni Department of Environment and Natural Resources Regional Executive Director Vicente Paragas.
Tumigil lamang ito ng isat kalahating taon pero ngayon ay nagpapatuloy uli ng operasyon.
Nababahala ang mga residente na dahil nasa itaas na bahagi ang planta at ang tailings nito na may nakalalasong kemikal ay tuluy-tuloy na dumadaloy sa kanilang barangay.
Napag-alaman pang natutuyo ang kanilang mga lupang taniman at hindi na ito mabuhayan ng halaman, dagdag ng konsehal. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended