^

Probinsiya

2 anak-mayaman kinidnap sa Coastal Road

-
LEMERY, Batangas – Hindi pa man napapawi sa isipan ng taumbayan ang pagdukot sa dalawang anak ni Congressman Jules Ledesma ay dalawa na namang anak ng negosyanteng Tsino ang iniulat na kinidnap ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan makaraang harangin ang sinasakyang van ng mga biktima sa kahabaan ng Coastal Road na sakop ng Parañaque City kahapon ng umaga.

Ang kambal na sina Welvin at Ason Tai, 17, na anak ni Tai Shin Min, may-ari ng pabrika ng zipper sa Masbate Loop, Parañaque ay pinalaya rin ng mga kidnaper makaraang magbayad ng hindi pa mabatid na halaga.

Sa salaysay ng drayber na si Cerilo Co, 52, ng P. Guevarra St., Sta. Cruz, Manila sa pulis-Batangas, bandang alas-6:30 ng umaga nang binabagtas niya ang Coastal Road nang harangin ang minamaneho niyang Toyota Hi-Ace van ng Starex van at kotse.

Ayon sa pulisya, si Cerilo ay natagpuan ng mga residente ng Brgy. Payapa na nakatali pa na parang baboy dakong alas-9:30 ng umaga kahapon.

Idinagdag pa ni Cerilo na ihahatid niya ang kambal sa Chang Kai Shek School sa Binondo, Maynila nang tutukan siya ng baril ng tatlong hindi kilalang lalaki saka pinababa sa van at isinakay siya sa Starex.

Inatasan silang tatlo na yumuko habang binabagtas ang hindi mabatid na patutunguhan dahil sa may piring ang kanilang mga mata at nararamdaman nilang pa-zig-zag ang daan.

Sinabi pa ni Cerilo sa pulisya na narinig niya ang isang kidnaper na "OK na general" na pinaniniwalaang kausap sa cellphone.

Ayon sa drayber, kaagad naman niyang ipinagbigay-alam sa kanyang boss ang pangyayari dakong alas-10:30 ng umaga, may isang oras na ang nakalipas matapos siyang matagpuan sa nabanggit na barangay.

Nasorpresa na lamang ang drayber sa sinabi ng nakatatandang kapatid ng kambal na si Elena Tai na ang magkapatid ay nasa bahay na nila.

"Imposible namang makauwi sila within one hour mula sa Lemery hanggang Parañaque ng ibaba nila yung driver dito," ani pa ng pulis.

May palagay ang pulisya na inihiwalay ang mag-utol bago kinontak na ang ama ng mga bata at nagbayad ng malaking halaga upang mapadali ang pagpapalaya sa kambal at ito ngayon ang masusing sinisilip ng mga imbestigador. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

ASON TAI

AYON

BATANGAS

CERILO

CERILO CO

CHANG KAI SHEK SCHOOL

COASTAL ROAD

CONGRESSMAN JULES LEDESMA

ELENA TAI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with