Ama binoga ng 2 adik
September 18, 2002 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ang isang amang retiradong pulis matapos na pagbabarilin ng kanyang dalawang anak na lalaki dahil tinangka ng una na patayin ang anak na babae habang nag-iinuman sa kanilang bahay sa Tagum City, Davao del Norte.
Inoobserbahan sa Davao Medical Center ang biktimang si Rolando Satur, samantala, ang dalawang suspek na anak ay kinilalang sina Rolando Satur Jr., ex-cop at PO2 Neil Satur ng 110th Police Mobile Group (PMG) na pawang residente ng Villa Rica, Babak District ng naturang lugar at ngayon ay tinutugis ng mga awtoridad.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, magkakasamang nag-iinuman ng alak ang mag-aama dahil sa kapistahan sa kanilang bayan.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at anak na babae na si Larraine Ruiz.
Dahil sa lango na sa alak ang biktima at nairita sa pagtatalo ng anak na babae ay nakuha nitong barilin ang babae ngunit hindi naman tinamaan.
Dito na pinagtulungang barilin ng magkapatid na lalaki ang sariling ama hanggang sa duguang bumulagta dakong alas-4:30 ng hapon kaya nagpulasan ang kanilang mga bisita. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended