^

Probinsiya

5 turista kinidnap sa Laguna

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Limang dayuhang turista at dalawang kasamang Pinoy na nagsilbing guide ang iniulat na dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagpakilalang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tinutuluyang hotel sa Pagsanjan, Laguna kamakalawa ng umaga ngunit pinalaya rin makaraang makapagbigay ng P.2-milyon.

Nakilala naman ang mga biktimang sina Baylan Magakhia, Fred Nathan, Brett Mashiem na pawang taga- New Zealand; mag-asawang sina Tiger at Kris Lee na taga-Australia at ang nagsilbing tourist guide na sina Michelle Afable at Antonio Villanueva.

Dalawa sa mga rebelde ay nadakip ng mga tauhan ni P/Sr. Supt. Arnulfo Espiritu, Laguna PNP provincial director at nakilalang sina Larry Ferrer, 29, ng Teodoro St., Brgy. Poblacion Uno, Sta. Cruz, Laguna at Oscar Lacbay, 41, ng Brgy. Maytalang Uno, Lumban, Laguna.

Napag-alaman na ang dalawa ay confidential agent ng NBI na ngayon ay nakakulong sa Pagsanjan police station.

Sa isinumiteng ulat ni P/Supt. Napoleon Cachuela, kinidnap ang mga biktima bandang alas-10:40 ng umaga sa tinutuluyang Rapid Hotel sa nabanggit na lugar.

Kaagad namang naipagbigay-alam ng head waiter na si Steve Bombay sa mga awtoridad ang pangyayari na nasaksihan niyang isinakay ang mga biktima sa Isuzu Highlander na kulay maroon (WLE-601) at ang dalawang Pinoy ay isinakay naman sa van (THH-861) patungo sa direksyong Maynila.

Napag-alaman pa sa ulat, nasabat ng pulisya ang dalawang sasakyang lulan ang mga biktima kasama sina Ferrer at Lacbay sa Pila, Laguna dakong alas-2 ng hapon.

Sa nakalap na impormasyon ng PSN, pinalabas lamang na legal na operasyon ng NBI ang naganap na kidnapping.(Ulat ni Ed Amoroso)

ANTONIO VILLANUEVA

ARNULFO ESPIRITU

BAYLAN MAGAKHIA

BRETT MASHIEM

BRGY

ED AMOROSO

FRED NATHAN

ISUZU HIGHLANDER

KRIS LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with