Suspek sa pagpatay sa chief of police sumuko
September 17, 2002 | 12:00am
BATANGAS CITY Matapos ang 22-araw na pagtatago sa ilalim ng batas ay nagdesisyong sumuko ang pangunahing suspek sa pagpatay sa Sablayan chief of police kay Batangas City Mayor Eddie Dimacuha kamakalawa ng hapon, ayon sa ulat ng pulisya.
Si Agripino Guevarra, alyas Boy ng RK Subd., Brgy. Kumintang Ibaba ay payapang sumuko kay Mayor Dimacuha makaraang bigyan siya ng kasiguruhan laban sa mga nagbabanta sa kanyang buhay.
Kaagad namang ipinagbigay-alam ni Mayor Dimacuha ang pagsuko ni Guevarra kay P/Sr. Supt. Rolando Lorenzo, Batangas PNP provincial director.
Sinabi ni Dimacuha na personal na alitan ang namagitan kay Guevarra at Sablayan chief of police at walang kaugnayan sa politika na unang napaulat kaya hinikayat siyang sumuko upang harapin ang naganap na krimen noong Agosto 24, 2002.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na si Guevarra ay personal driver ng pinsan ni Mayor Dimacuha na si Jun Dimacuha. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended